Heto na ang Blog Bayan para bulabugin at sakupin ang kaisipan ng mga Pinoy Bloggers. Ito na ang non-profit bloggazine para sa mga latest sa community ng bloggers. Mapa-events man yan, tsismis, blind items, promos, interviews, tech stuffs, blog reviews, blogger's profiles at kahit pa confessionals, wholesome man or for adults, english man or taglish, susyal man o jologs, basta't naiintindihan nating mga Pinoy pwedeng pwede.
At sino bida dito? Hindi ako, kundi kayong mga bloggers na nagbabasa ngayon. Contributor based ito, no edits, no proofread... only filtered or pwede ring raffled. Basta kayo ang may hawak ng nilalaman dito.
Bago lahat, bakit nga ba Blog Bayan?
Hindi ito blog para sa mga makabayan, kundi para sa Bayan ng Blogs. Gets ba? Bayan, as in, community, society o kahit ano pa ang itawag niyo dyan, basta sa komunidad nating mga bloggers. Kaya ko rin naman napiling pangalanan itong Blog Bayan, kasi double-meaning din ito... not in mahalay terms, ok. Pwede kasing basahin ito as Blog Ba Yan. Initially, ang blog na ito ay dedicated for blog reviews kaya naisipang pangalanan ngang "Blog Ba Yan?" Basta Blog Bayan o Blog Ba Yan, bahala na kayo sa pagbabasa niyo... basta yan ang pangalan ng Bloggazine/Bloggers' tabloid na ito.
So far, nasa draft process pa lang ito. Hindi naman necessary na kailangan ng in-house writers dito, kundi contributors lang. Obvious naman na biglaan lang ito di ba? So kung may articles na nais niyong mai-publish dito padala lang kayo, as long na tungkol sa blogging community at hindi yung labas dito. One post per day lang para hindi naman ito magmukhang aggregator lang, tapos kung papalarin magiging thematic per day (e.g. Blog Review post every Monday, Tuesday is Confessionals).
Kaya kung gusto niyong suportahan ang Blog Bayan, ipadala ang inyong mga contributions sa blog.bayan.contributions@blogger.com, include niyo name or pen name and URL niyo. Sa mga comments and suggestions, pwede email sa blog.bayan@gmail.com or magcomment na lang kayo. Kung hindi naman, please ignore this message and get back to your own life.
Reminder: Primary rule dito; yung submitted article dito hindi dapat rin dapat naka-repeat post sa blogs niyo ok. Thanks.